Dahil sa pagtataas ng red alert at yellow alert sa Luzon grid sa maghapon nag-abiso na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na maaring makaranas ng brownout ang maraming lugar sa Luzon.
Ayon sa NGCP, maaring magpatupad ng Manual Load Dropping (MLD) sa Metro Manila at maraming lalawigan sa Luzon dahil sa manipis na reserba ng kuryente.
Kabilang sa apektado ang mga sumusunod na lugar:
Angeles City, Pampanga
Bahagi ng Nueva Ecija
Bahagi ng Batangas
Bahagi ng Ilocos Sur
Bahagi ng La Union
Bahagi ng Nueva Vizcaya
Bahagi ng Ifugao
Bahagi ng Camarines Sur
Bahagi ng Camarines Norte
At bahagi ng Metro Manila
Ayon sa NGCP, maari namang mabago pa o makansela ang schedule ng brownout kapag gumanta ang sitwasyon ng power supply.
Pinayuhan naman ng NGCP ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente ngayon kapos ang suplay at manipis ang reserba.