Dating AFP official Jacinto Ligot hinatulang guilty sa kasong perjury

INQUIRER.net File Photo

Hinatulang guilty beyond reasonable doubt sa kasong perjury ng Sandiganbayan si dating AFP Comptroller retired Lt. Gen. Jacinto Ligot.

Sa naging pasya ng anti-graft court, guilty ang hatol para sa anim na bilang ng perjury kung saan siya hinatulang mabilanggo ng tig-isang taon sa bawat bilang.

Not guilty naman ang naging hatol sa dalawa at ang nadismiss naman ang apat pang bilang ng kaparehong kaso.

Nag-ugat ang kasomg perjury ni Ligot dahil sa malinh deklarasyon ng kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth mula 1993 hanggang 2003.

Naglalagak na si Ligot ng kanyang piyansa para sa limang bilang perjury kung saan nahatulan siyang gulity.

Read more...