Ang suspek ay kinilalang si Renato Bayuban Llenes na iprinisinta kahapon ni PNP Chief Gen. Ospcar Albayalde sa Camp Sergio Osmeña – Police Regional Office Central Visayas (PRO-7) headquarters.
Sa kaniyang pagsuko sinabi ni Llenes na nakunsensya na siya kaya nagpasya siyang lumantad na sa mga otoridad.
Nuon pang April 9 hawak ng gma otoridad si Llenes at sa Bohol ito sumuko.
Magugunitang karumal-dumal ang ginawang pagpatay kay Silawan na nagtamo ng 20 saksak sa katawan, 9 na defense wounds at binalatan pa ang mukha.
MOST READ
LATEST STORIES