Ayon kay QCPD Station 6 chief Police Sr. Sandy Caparoso, alas-10:00 kagabi ay ikinasa nila ang operasyon laban sa target na si alyas ‘Lloyd’.
Nakatanggap sila ng reklamo ukol sa pagbebenta ng bawal na gamot ng suspek.
Ang suspek ay kilalang nagbebenta ng droga sa mga jeepney at tricyle drivers at mga karpintero.
Positibong nakabili ng P200 halaga ng shabu ang kanilang poseur buyer at agad na inaresto si Lloyd kasama ang dalawa niyang kasamahang construction worker.
Dati nang naaresto ang mga suspek dahil pa rin sa iligal na droga at pagsusugal.
Nakuha sa operasyon ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu na mariing itinanggi ng suspek na sa kanila ang mga ito.
Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa tatlo partikular ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.