Matapos ang halos tatlong dekadang rehimen, napatalsik na sa pwesto si Sudanese President Omar al-Bashir dahil sa mga alegasyon ng genocide.
Sa pamamagitan ng kudeta ay naaresto at naialis na sa pwesto si Bashir.
Ang pagkakatanggal sa lider ay sa gitna ng malawakang protesta na isinagawa ng libu-libong Sudanese.
Suspendido ang Konstitusyon ngayon ng bansa at nabuwag ang National Assembly at gabinete ng dating presidente.
Isang military council ang kasalukuyang namumuno sa bansa at babantayan ang transition of power ayon kay Sudanese Defense Minister Awad Mohamed Ahmed Ibn Auf.
Lahat ng political prisonersna ikinulong ay palalayain ayon pa sa defense minister.
Idineklara ang tatlong buwang state of emergency at isang buwang curfew mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga ang kasalukuyang ipinatutupad.