Power Duo nagtapos sa ikatlong pwesto sa AGT Season 3 finals

Bigo ang mga pambato ng Pilipinas na mauwi ang grand prize na $100,000 sa “Asia’s Got Talent” (AGT) Season 3.

Tatlo sa siyam na grand finalists ng talent-reality competition ay mula sa bansa.

Ang Power Duo na grand champion ng “Pilipinas Got Talent” noong 2016 ay nagtapos sa ikatlong pwesto na katangi-tanging Filipino act na umabante sa finale.

Ang Shadow Ace at Power duo ay bigo na malampasan ang first two cuts.

Pinabilib ng Power Duo sa kanilang performance ang mga hurado at audience kung saan sila ay nakakuha ng standing ovation.

Maluha-luha ang huradong si Anggun at sinabing ang Power Duo ay isa sa greatest performers ng kompetisyon.

Ang Power Duo na binubuo nina Anjanette at Gavin ay isang real-life couple mula sa Angono, Rizal.

Read more...