Pangulong Duterte kay Jim Paredes: “Hala, kaliit!”

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang musician at kanyang kritiko na si Jim Paredes sa isyu ng imoralidad.

Magugunitang nasangkot si Paredes sa isang video scandal.

Sa talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City, aminado ang pangulo na may kabastusan siya sa pananalita pero hindi anya niya kailanman nagawa ang kahalintulad ng ginawa ni Paredes sa kanyang video scandal.

Pinasaringan pa ni Duterte ang pagkalalaki ni Paredes na anya’y maliit naman.

“Itong Jim Paredes, immoral daw ako. Pinakita nga niya yung *t*n niya, t*ng*n* ang liit pa ganun sa totoo lang… Hindi ako nagyayabang, napasabi ako, ‘hala, kaliit’” ani Duterte.

Sinopla ng presidente ang kanyang mga kritiko na wala rin naman umanong kalidad.

“Iyan ang mga taong nambabatikos sa akin, kita mo yung kalidad nila”, giit ng pangulo.

Nauna nang humingi ng paumanhin si Paredes sa pagkalat ng kanyang video scandal na hindi naman umano para sa public consumption.

Iginiit ng singer na posibleng may kinalaman ang pulitika kung bakit ito kumalat.

Read more...