BPI naibalik na ang kanilang online at mobile banking services

Inanunsyo ng Bank of the Philippine Islands (BPI) na naibalik na sa normal ang kanilang online at mobile banking services.

Nauna nang humingi ng pang-unawa ang BPI matapos hindi maaccess ang kanilang online at mobile channels dahil sa isinagawang systems upgrade.

Nag-adjust ang mga serbisyo ng BPI sa isinagawang upgrade mula noong Biyernes hanggang Linggo.

Maraming customers ng BPI ang nagpahayag ng galit sa social media dahil sa pagkakaantala ng mga serbisyo ng bangko.

Read more...