Ayon kay Dr. Cedric Daep, hepe ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay ang resolusyon sa pagdedeklara ng state of calamity noong araw ng Miyerkules.
Batay sa damaged assessment report ng Provincial Agriculture Office, nasa kabuuang P128,656,360 ang halaga ng pinsala sa bigas habang P33,339,102.50 ang nasirang mais.
Naitala ang pinakamataas na halaga ng pinsala sa Daraga sa P51,000,000 at sinundan ng Legazpi City sa halagang P25,211,666.
Hindi bababa sa 74 na barangay o 126.48 na ektaryang sakahan sa probinsya ang apektado.
Ayon pa kay Daep, hindi pa kasama sa nabanggit na halaga ng pinsala ang damage report sa livestock.