Malacañang hindi magiging mabait sa China kapag pumasok sa teritoryo ng bansa

“Non-negotiable!”

Ito ang mensahe ng Malacañang sa China kung soberenya ng Pililinas ang pag-uusapan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi magiging mabait ang Pilipinas sa China kung ang isyu ay patungkol sa soberenya at teritoryo.

Katunayan sinabi ni Panelo na pinaalis na ng Pilipinas ang mga Chinese vessels ng China na nananatili sa mga isla sa West Philippine Sea na sakop ng bansa.

Humihingi na rin aniya ang Pilipinas ng paliwanag mula sa China ukol sa kanilang presensya sa naturang lugar.

Binigyang diin ni Panelo na patuloy na igigiit ng Pilipinas ang soberenya ng bansa dahil ibang usapan na kapag natapakan o pumasok ang mga ito sa teritoryo ng bansa. na ito.

“Di ba too much na yong kindness na binibigay natin sa china? Hindi naman tayo kind ngayon e, we are demanding them to leave the place in other words, we are kind. But When it comes, with respect to sovereignty ibang  usapan na”, dagdag pa ng kalihim.

 

Read more...