Cebu Pacific nagpa-alala sa mga pasahero na agahan ang pagpunta sa mga airport

Inquirer file photo

Nagpaalala ang Cebu Pacific at CebGo sa kanilang mga pasahero na maagang pumunta sa mga paliparan tuwing peak season.

Ito ay kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong summer vacation at sa darating na Semana Santa.

Sa inilabas na travel advisory, maiging pumunta sa paliparan dalawang oras bago ang departure ng kanilang domestic flights habang tatlong oras naman para sa international flights.

Ayon sa airline company, ito ay para makapaglaan ng sapat na oras para sa security inspection, immigration screening, check-in, back drop at iba pang pre-departure procedures.

Isasara anila ang lahat ng check-in counters 45 minuto bago ang kanilang biyahe.

Dagdag pa nito, maaaring magdala ng isang hand-carry bag na may maximum weight na pitong kilo.

Sinabi pa ng airline company na bantayan ang kanilang flight information at agad pumunta sa boarding gates.

Read more...