Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa heat stroke at iba pang summer-related diseases.
Inilabas ang abiso kasunod ng papalapit na semana santa at patuloy na pagtaas ng temperatura sa bansa.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, bilang paghahanda sa visita iglesia, dapat magdala ng tubig para manatiling hydrated.
Mainam din aniyang magdala ng mga pagkaing hindi agad napapanis at payong laban sa matinding init ng araw.
Sa mga pagpapapako sa krus, sinabi ni duque na siguraduhing nalinis nang maayos ang mga gagamiting pako para makaiwas sa tetanus.
Dagdag pa ng kalihim, magdala ng first aid kits at gamot para pagbiyahe sa semana santa.
Para naman sa mga may mataas na blood pressure, dapat huwag magmintis ng maintenance na gamot araw-araw at manatili sa loob ng bahay sa pagitan ng alas diyes ng umaga hanggang alas tres ng hapon.