Ang biktima na si Police Staff Sergeant Kirk Walter Lorenzo ay sinundan ng suspek hanggang sa makauwi sa kaniyang bahay sa Calachuchi St. Barangay Muñoz.
Nang makapasok sa bahay, dumating na lang bigla ang suspek at binaril si Lorenzo na noon ay namamahinga sa sofa.
Alas 3:00 ng madaling araw nang ipaalam sa mga pulis ng mga residente sa lugar ang nangyari.
Nang datnan ng mga otoridad nakitang may tama ng bala ng baril sa ulo si Lorenzo.
Idineklara itong dead on arrival sa Samar Provincial Hospital.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.
READ NEXT
140 P2P buses bibiyahe sa Holy Week habang nakatigil ang operasyon ng MRT-3 para sa maintenance
MOST READ
LATEST STORIES