140 P2P buses bibiyahe sa Holy Week habang nakatigil ang operasyon ng MRT-3 para sa maintenance

Isangdaan at apatnapung P2P buses ang bibiyahe sa Holy Week habang naka-maintenance shutdown ang MRT-3.

Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3 ang mga bus ay bibiyahe sa April 15 hanggang 17 at sa April 20 hanggang 21.

Ito ay upang asistihan ang mga pasahero ng MRT-3 na maaapektuhan ng tigil-operasyon.

Ang mga nasabing bus ay magsasakay at magbababa sa lahat ng istasyon – northbound man o southbound ng MRT-3 mula 5:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng gabi sa nabanggit na mga petsa.

Ang pamasahe para sa nasabing mga P2P bus ay katulad ng pamasahe sa MRT-3.

Ang Bus Augmentation Program ay inisyatibo ng DOTr, MRT-3, MMDA, LTO, LTFRB, PNP-HPG, at i-ACT Alpha/Bravo teams.

Read more...