NBI may 3 persons of interest at witness sa pagdukot kay Allan Fajardo

May tatlong persons of interest ang National Bureau of Investigation na maaaring makatulong para maresolba ang kaso ng pagdukot sa negosyanteng si Allan Fajardo, ang dating tauhan ng napatay na si Tanauan City Mayor Thony Halili.

Sa isang panayam, sinabi ni NBI Special Action Unit chief Atty. Emiterio Dongallo na isa sa tatlo ay kaibigan ni Fajardo na nakatakda sanang makipagkita sa negosyante sa restaurant sa Sta. Rosa Laguna noong araw na ito ay dukutin ng armadong kalalakihan.

Natukoy ang dalawa pang persons of interest sa pamamagitan ng mobile phone ni Fajardo na naiwan sa crime scene.

Kinumpirma din ni Dongallo na hawak nila ang mahalagang testigo na tauhan ni Fajardo at nakapagtago umano at hindi napansin ng mga dukutin sa negosyante.

Umaasa ang NBI na makikipag-tulungan ang tatlong persons of interest at ang nasabing testigo para matukoy kung sino ang nasa likod ng pagdukot sa dating tauhan ni Halili noong ika-3 ng Abril.

Read more...