Kim Kardashian kukuha ng law; nais matupad ang pangarap na maging abogado

Mag-aaral ng abogasya ang American television star na si Kim Kardashian.

Si Kardashian na kilala sa kaniyang reality shows at asawa ng hip-hop artist na si Kanye West ay nais maging abogado.

Simula noong nakaraang taon ay intern na sa isang law firm sa California ang 38 anyos na si Kim sa San Francisco law firm.

Target ni Kim na makapag-bar exams sa 2022.

Sa USA, para maadmit sa law school ay kinakailangang bachelor’s degree holder.

Si Kim ay hindi nagtapos sa kolehiyo na kaniyang pinasukan.

Pero sa ilang states kasama na ang California, pinapayagan ang mga nais maging abogado na mag-intern ng apat na taon bago kumuha ng bar exams.

Read more...