10-wheeler truck tumagilid sa bahagi ng NLEX

Contributed Photo

Isang 10-wheeler na dump truck ang tumagilid sa bahagi ng North Luzon Expressway sa Quezon City, Huwebes, Apr. 11 ng umaga.

Ayon sa MMDA, galing sa Balintawak Cloverleaf underpass ang truck at patungo sa direksyon pa-Maynila nang maganap ang aksidente paakyat ng Quirino Highway dakong alas 6:25 ng umaga.

Inokupa ng truck ang dalawang linya sa northbound ng kalsada dahilan para maperwisyo ang daloy ng traffic.

Nagtulong naman ang mga tauhan ng MMDA at NLEX para manduhan ang traffic at maalis sa lugar ang sasakyan.

Inaalam pa kung ano ang dahilan ng aksidente.

Read more...