Ayon kay Herrera-Dy, aabot sa P7.5 Billion ang nakolekta mula sa programa upang makapagpatayo ng pasilidad sa pagkuha ng tubig sa Pampanga River para sa irrigation water replacement.
Nagtataka ito kung saan napupunta ang bahagi ng sinisingil sa mga consumers para sa programa na sinimulang kolektahin ng mga water concessionaires mula pa noong 2002.
Kung naipatupad lamang anya ang irrigation water replacement ay natulungan ang maraming magsasaka sa epekto ng matinding tag-tuyot dulot ng weak El Niño.
Pinakikilos dito ang mga local water districts, Local Water Utilities Administration, National Irrigation Authority at National Water Resources Board para mabigyan ng tulong ang mga livestock growers, mga magsasaka pati mangingisda ngayong panahon ng tag-init.