Ang northbound ng tulay na tinatawag ding Concordia Bridge ay pormal na binuksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Huwebes, Apr. 11 ng umaga.
Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar sa pagbubukas ng tulay, mayroong dagdag na 3 linya sa northbound na magagamit ng mga motorista,
Inaasahang makapagpapabilis ito sa biyahe ng mga mula at patungong Maynila.
Ang Quirino Bridge II ay 24-linear meter single-span road na bahagi ng Circumferential Road II at magkukunekta sa Maynila, Pasay, Makati at iba pang central at eastern side ng Metro Manila kasama ang Quezon City, Mandaluyong, Pasig, San Juan at Marikina, at lalawigan ng Rizal.
MOST READ
LATEST STORIES