Fossil bones, ngipin ng mga sinaunang tao natagpuan sa isang kweba sa Cagayan

(Callao Cave Archaeology Project via AP)

Lumabas sa international media ang ulat hinggil sa pagkakatuklas ng mga fossil bone at ngipin na pinaniniwalaang pag-aari ng mga sinaunang tao sa isang kweba sa Cagayan.

Sa ulat ng New York Times, ang mga fossil bones at ngipin ay natuklasan sa Callao Cave sa Peñablanca Cagayan at ang mga ito ay pag-aari ng mga sinaunang tao na Homo luzonensis.

Ang pag-aaral ay inilabas ng Journal Nature, kung saan nakasaad na ang natagpuan ay pitong ngipin at anim na buto na bahagi ng kamay, paa at hita na maaring galing sa tatlong indibidwal.

Base sa isinagawang test sa mga sample na ito, maaring ang mga taong nagmamay-arin g buto at ngipin ay namuhay 50,000 at 67,000 na taon na ang nakararan.

Lumalabas din sa pag-aaral na parang mga ‘hobbit’ ang may-ari ng mga buto na ang taas ay nasa 3 1/2 feet lamang.

Ang nasabing mga buto ay taong 2007, 2011 at 2015 pa natagpuan at ngayon lamang inilabas ang resulta ng pag-aaral dito.

Read more...