Apat na suspek arestado sa buy-bust operation sa Cubao, Quezon City

Arestado ang isang lalaking tulak ng ipinagbabawal na gamot at tatlong iba pa sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Cubao, Quezon City.

Target ng operasyon sa Barangay E. Rodriguez si alyas Melvin na isang tricycle driver.

Nakabili ang poseur buyer ng P500 halaga ng shabu laban kay Melvin kaya agad itong dinakip at ang isang lalaking kasama nito.

Nabatid na kalalaya lamang ni Melvin mula sa pagkakakulong dahil din sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Tyempo namang naaktuhan din ng mga otoridad na bumibili ng shabu kay Melvin ang mag-live in partner dahilan para arestuhin din ang mga ito.

Mahaharap ang apat sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...