Lalaki arestado matapos mahulihan ng shabu sa LRT-2

Arestado ang isang lalaki makaraang mahulihan ng shabu habang pasakay sa LRT-2.

Ang suspek ay caretaker sa isang tindahan sa Divisoria at sasakay sana sa Betty Go Belmonte station sa Quezon City patungong Recto Station.

Nang inspeksyunin ng gwardya ang gamit ay mayroong nasilip na foil sa kaniyang backpack.

Nang tanungin ang suspek ay agad nitong hinatak ang kaniyang backpack sa gwardya.

Doon na tinawag ng gwardya ang kanilang head security at ang mga pulis na malapit sa lugar.

Nakuha sa loob ng bag ng suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Read more...