Sa kabila ng TRO mula sa korte, units ng Uber at GrabCar pwede pang bumiyahe

GRAB TAXINilinaw ng Quezon City Regional Trial Court ang inilabas nitong temporary restraining order laban sa app-based na transport system gaya ng Uber at Grab car.

Ayon kay Judge Santiago Arenas of Quezon City Regional Trial Court Branch 217, ang sakop lamang ng kautusan ay ang mga future applications para sa mga sasakyang nais maging accredited na Transport Network Vehicle Services (TNVS).

Paliwanag ni Arenas, ang inilabas na TRO ay hindi nangangahulugang hindi na pwedeng bumiyahe ang mga units ng Uber at GrabCar.

Sa halip, sa ilalim ng TRO, binabawalan ang Land Transportation Franchising Regulatory Board sa pagtanggap, pagproseso at pag-apruba ng panibagong mga aplikasyon.

Tatagal ang TRO sa loob ng 20-araw.

Inilabas ang TRO base sa kahilingan ng grupong Stop and Go Coalition na nagsabing apektado ang mga driver ng mga pampublikong sasakyan dahil nabawasan ang kita nila bunsod ng pagsulpot ng app-based na transport system.

Read more...