Duterte napagalitan ng Arsobispo, nangakong hindi na magmumura

DUTERTE AT VACC 17TH FOUNDING ANNIVERSARY/JULY 3,2015 Davao City mayor Rodrigo Duterte gestures during his speech as guest of honor at the VACC 17th Founding Anniversray held at Camp Aguinaldo, QC. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

“Tawagin n’yo na akong Santo Rodrigo”.

Ito ang sinabi ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa mga mamamahayag matapos ang isang oras na pakikipagpulong kay Davao Archbishop Romulo Valles kanina (December 4).

Ayon kay Duterte, nakatikim siya ng sermon kay Valles, dahil sa pagsasalita ng hindi maganda laban sa Santo Papa.

Dahil dito, sa kanilang pulong ni Valles, sinabi ni Duterte na binigyan siya nito ng lecture sa Christian values. “The monsignor told me that I have to be very careful (with what I say),” ayon kay Duterte.

Matapos ang nasabing pulong, nangako si Duterte na magiging maingat na siya sa kaniyang pagsasalita at hindi na muli magmumura.

Katunayan sinabi ni Duterte na papatawan niya ng P1,000 multa ang kaniyang sarili sa tuwing siya ay magmumura.

Ang bawat P1,000 na multa niya sa sarili ay idodonate niya sa Caritas.

Hinikayat pa nito ang mga reporters na tulungan siyang magbilang ng kaniyang mababanggit na hindi magandang pananalita.

Pero bago pa man matapos ang ambush interview ng mga mamamahayag kay Duterte ay nakadalawang mura na agad ito.

Dahil dito, agad nagtungo sa Caritas office si Duterte para idonate ang multa dahil sa kaniyang pagmumura.

Read more...