Nasawi ang dalawa katao habang 16 ang sugatan sa sunog na sumiklab sa isang shopping center sa Bangkok, Thailand.
Partikular na natupok ang Central World Complex na mayroong shopping mall, mga opisina at hotel.
Ilan sa mga tao ay kinailangan pang tumalon sa building mailigtas lamang ang kanilang mga sarili mula sa apoy.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa parking garage ng complex ngunit hindi pa alam ang dahilan nito.
Sinabi naman ni Bangkok Governor Aswin Kwanmuang na mananatiling sarado ang building hangga’t hindi pa ito ligtas para sa mga tao.
Titingnan din anya ang impact ng sunog sa mga istraktura at kailangan pang masagawa ng imbestigasyon ng pulisya.
Sikat ang complex sa mga turista at naganap ang sunog ilang araw lamang bago ang Songkran holiday sa April 13 hanggang 15.