Tinupok ng apoy ang limang bahay sa Trinidad Ayala St. Brgy. 663 sa Ermita, Maynila.
Malapit lamang ang residential area sa Ayala bridge.
Alas-2:32 nang magsimula ang sunog at makalipas lamang ang dalawang minuto ay agad na itinaas sa ikalawang alarma.
Sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Angelita Muñoz.
Ang mga bahay na nasunog ay konkreto ang unang palapag habang gawa sa mga light materials ang ikalawang mga palapag kaya agad na kumalat ang apoy.
Alas-3:41 nang ideklarang fire-out ang sunog.
Dalawampung pamilya ang nawalan ng tirahan at tinatayang nasa P5 milyon ang pinsala sa ari-arian ng sunog.
MOST READ
LATEST STORIES