Nakakuha ng +66 na satisfaction rating ang pangulo na nasa kategoryang ‘very good’ sa unang tatlong buwan ng 2019 na mas mataas ng anim na puntos sa kanyang +60 noong December 2018.
Ang survey ay isinagawa noong March 28 hanggang 31 kung saan 79 percent ng adult Filipinos ang nagsabing sila ay satisfied o nasisiyahan sa pagganap ng presidente sa tungkulin.
Mas kaunti naman ang nagsabing sila ay dissatisfied o hindi nasisiyahan sa 13 percent para maitala ang net satisfaction rating na +66.
Umabot naman sa eight percent ang undecided o hindi tiyak kung sila ay nasisiyahan o hindi.
Pinakamataas ang satisfaction rating ni Duterte sa Mindanao sa +88 na ‘excellent’, habang very good sa Visayas, Metro Manila at Balance Luzon na may tig +69, +61 at +56.
Ang +66 net score ng pangulo ay tumapat sa kanyang personal high rating na naitala noong June 2017.
Isinagawa ng SWS ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adults sa buong bansa.