Base sa abiso ng Protocol’s office ng Malakanyang, gaganapin ang ceremonial signing sa pambansang budget o General Appropriations Act 2019 sa Palasyo sa Lunes, April 15, 2019.
Kinumpirma naman ito ni Presidential spokesperson Salvador Panelo.
Una rito, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na binusisi nang husto ng pangulo ang mga pambansang pondo.
Matatandang naantala ang paglagda ng pangulo sa pambansang pondo dahil sa bangayan ng Senado at Kamara.
Wala pa namang inilalabas na abiso ang Palasyo kung mayroong ivi-veto ang pangulo o ibabasurang line item sa budget.
MOST READ
LATEST STORIES