“Black propaganda”.
Ito ang tugon ng Malacañang matapos patunayan ni dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na wala siyang dragon tattoo sa likod taliwas sa video ng nagpapakilalang witness si alyas Bikoy na mayroong trademark ang dating kalihim bilang patunay na miyembro siya ng international drug syndicate.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, na noon pa man ay pawang paninira lamang ang ginagawa ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hahayaan na lamang aniya ng palasyo na magkalat ang mga kritiko habang gagawin naman ng kanilang hanay ang mga mabubuting gawain.
Ayon kay Panelo, noon pa man ay walang katotohanan ang ulat na sangkot sa illegal na droga si Go.
“We’ve been saying all along that that was a black propaganda. There are people who believe it, hook, line, and sinker. It’s now showing that it’s not true. It’s never been true”, ayon sa kalihim.
Dagdag pa ni Panelo, “Wala na. They can do their worst, we will do our best”.