Pinakamainit na temperatura sa Metro Manila ngayong taon naitala kanina

(AP Photo/Aaron Favila)

Sa ikalawang pagkakataon, naitala ang pinakamainit na air temperature sa Metro Manila, Miyerkules ng hapon.

Ayon sa PAGASA, umabot sa 35.4 degrees Celsius ang air temperature sa Science Garden monitoring station sa Quezon City bandang 4:00 ng hapon.

Ito rin ang highight temperature record na naitala sa Metro Manila noong April 6.

Sinabi ng weather bureau na 39.5 degrees Celsius ang pakiramdam nito dahil sa maalinsangang panahon.

Sa datos ng PAGASA, nasa 42.2 degrees Celsius ang pinakamataas na temperatura sa Pilipinas sa bahagi ng Tuguegarao, Cagayan noong May 11, 1969.

Samantala, umabot naman ang heat index sa Calapan, Oriental Mindoro sa 46.8 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon.

Umabot sa 43.5 degrees Celsius ang heat index sa Infanta, Quezon habang 43.2 degress Celsius naman sa Ambulong, Batangas

Sa bahagi ng NAIA Pasay City, nasa 42.5 degrees Celsius ang heat index araw ng Miyerkules.

Read more...