Ilang araw na ngayong missing in action ang isang Cabinet member na napaka-importante pa naman ng pwesto sa pamahalaan.
Mula pa noong APEC Summit ay mailap na siya sa mga miyembro ng Media at ngayong nasa Europeam tour ang Pangulo ay hindi na siya nagpapakita sa kanyang opisina.
Kahit sa mga tawag at mga text messages ay dedma na rin itong opisyal na ito na minsan na ring naakusahan na nasa likod ng black operations para sa mga kalabang kandidato ni Mar Roxas.
Maraming mga isyung kailangan sagutin ang kanyang opisina pero hindi nya ito nagagawa dahil lagi siyang wala.
Sinabi ng ating Cricket na abala si Mr. Secretary sa kanyang mga proyekto sa kabas ng Palasyo kabilang na ang pagiging power broker para sa ilang gustong mag-negosyo sa pamahalaan.
Siya rin ay suma-sideline bilang Troll na bumabanat sa ibang mga presidential wannabe pero pikon naman kapag siya na ang subject ng usapan.
Minsan na rin siyang na-tsismis sa isang Girl na Cabinet member na madalas niyang kasama sa ilang mga alanganing lugar.
Ngayong patapos na ang termino ng Pangulo, tulad ng inaasahan ay pumuposisyon na siya sa kandidato ng administrasyon.
Tunay nga siguro ang kasabihan na nakaka-adik ang kapangyarihan kaya naman todo ang kanyang pagtatanggol sa mga kapartido ng Pangulo.
Ang Cabinet Secretary na hindi na halos nagpapakita sa kanyang office dahik busy sa mga extra curricular activities ay si Sec. E ….as in Ewan.