Ayon kay Duterte, ang yumaong si Father Paul Falvey, S.J., na isa sa mga Jesuit Priests sa Ateneo De Davao University, ang dahilan kaya raw maagang nawala ang kanyang “innocence.”
Nangyari anya ang pagmolestya noong first year high school siya at naging biktima rin ng pari ang ilang high school students na mas bata at matanda sa kanya.
Dagdag ni Duterte, gumastos ang pari ng P25 million nang nagsampa ng kaso ang ibang biktima dahil sa ginawang “fondling” o paghaplos o paghipo sa kanila habang sila ay nangungumpisal. “…it was a case of fondling, you know what, he did during confession, that’s how we lost our innocence early,” pagtatapat ni Duterte.
Hindi umano nagsampa si Duterte ng kaso dahil bata pa siya noon at takot sa pari. “It was a sort of sexual awakening for each of us. We realized quite early that ganun talaga ang buhay. Paano magreklamo, takot kami,” dagdag ng Davao City Mayor.
Pero nangako si Duterte na mananahimik na siya dahil na rin sa hiling ng mga kaibigang pari at nakatakdang pag-uusap nila ni Davao Archbishop Romulo Valles.