Bilang ng mahihirap na Filipino nasa 23.1M ayon sa PSA

Nabawasan ang bilang ng mga Filipinong naghihirap base sa latest data ng Philippine Statistics Authority (PSA),

Mula sa 28.8 million noong January to June 2015, ay nasa 23.1 million na poor Filipinos na lamang ang naitala ng PSA mula January hanggang June 2018.

Katumbas ito ng 16.1 percent na poverty incidence.

Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Usec. Carlos Bernardo Abad Santos, on track ang pamahalaan sa target na mapababa ang bilang ng mga naghihirap na Pinoy.

Tinarget kasi ng gobyerno na mabawasan ng 1 milyon kada taon ang bilang ng mga mahihirap na mamamayan.

Ito ay upang makamit ang 14 percent poverty incidence sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...