Musical na hango sa buhay ni Gloria Estefan, magbubukas sa London

Nakatakdang magbukas sa London sa buwan ng Hunyo ang bagong musical na hango sa buhay ng Cuban-American singer na si Gloria Estefan at kanyang mister na music producer na si Emilio Estefan.

Ang musical ay may pamagat na “On Your Feet!” kung saan tampok ang mga sikat na kanta ni Estefan gaya ng “Rhythm is Gonna Get You,” at “Don’t Want to Lose You Now.”

Magsisimula ang kwento ng “On Your Feet” sa kabataan nina Gloria at Emilio sa Cuba at kung paano sila nagkakilala sa Miami USA hanggang sa kanilang pagsikat bilang pop star.

Sa isang panayan, sinabi ng 61-year old na singer na madamdamin ang bawat yugto ng kanilang buhay at mga pinagdaanan nila bago nakamit ang tagumpay sa music industry.

Sina Gloria at Emilio ay 40 taon nang mag-asawa.

Bilang recording star, si Gloria Estefan ay nakabenta na ng 100 million records sa buong mundo at itinuturing na most succesful Latin-American performer at mayroong 26 Grammy Awards.

Ang “On Your Feet” ay mapapanood sa London Coliseum simula June 14 hanggang August 31 at sa Curve, Leicester.

Read more...