Magic Johnson nagbitiw bilang president ng Los Angeles Lakers

Matapos ang kabiguan ng Los Angeles Lakers na makapasok sa NBA finals ngayong season, nagbitiw na bilang presidente ng koponan si Magic Johnson.

Sa kaniyang press conference inihayag ni Johnson ang pagbaba sa pwesto.

Hindi naging maganda ang season na ito para sa LA Lakers sa kabila ng nasa kanila na si Lebron James.

Malaki ang naging papel ni Johnson sa paglipat ni James sa Lakers mula Cleveland Cavaliers.

Read more...