Mga kasapi sa ILP ng Meralco pinaghahanda kasunod ng pagtataas ng yellow at red alert sa Luzon grid

Dahil sa yellow alert at red alert sa Luzon grid ngayong maghapon, inabisuhan ng Meralco ang mga consumer nilang sakop ng Interruptible Load Program (ILP).

Ayon sa Meralco, dapat maging handa ang mga kasapi ng ILP na gamitin ang kanilang generator sets para maiwasan ang pagpapatupad ng brownout sa mga oras na nakataas ang yellow alert sa Luzon grid.

Pawang commercial establishments at mga korporasyon ang bahagi ng ILP ng Meralco.

Para naman sa mga bahay, maaring makatulong sa maliit na pamamaraan upang mabawasan ang konsumo ng kuryente.

Kabilang sa mga maaring gawin ay ang sumusunod:

  1. Iwasan ang pagbukas-sara ng refrigerator kung hindi kinakailangan.
  2. Palaging linisin ang mga electric fan blades at aircon vents.
  3. I-unplug ang mga appliances on standby na hindi ginagamit.

Una nang sinabi ng NGCP na iiral ang yellow at red alert sa Luzon grid ngayong maghapon dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Read more...