Pangulong Duterte nasisira ang araw kapag namamatayan ng sundalo o pulis

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nasisira ang kanyang araw tuwing may natatanggap na ulat na may namamatay na sundalo o pulis sa isang operasyon.

Pero ayon sa pangulo, bahagi na ng kanyang trabaho na mawalan ng tauhan at mag-aalala sa mga namamatay sa operasyon.

Kaya pakiusap ng pangulo sa mga sundalo at pulis alalahanin din ang kanilang personal na kaligtasan.

“When I see na merong casualties ganun. P***** i** nasisira ang araw ko. Pero even then, that’s part of my job to worry about you. All you have to do is just to worry about your personal safety,” ayon sa pangulo.

Matatandaang personal na dinadalaw ng pangulo ang mga namamatay na pulis at sundalo.

Read more...