Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) iiral ang red alert alas 11:00 ng umaga at mamayang alas 2:00 ng hapon hanggang alas 4:00 ng hapon.
Samantala, alas 10:00 ng umaga, alas 12:00 ng tanghali hanggang ala 1:00 ng hapon, alas 5:00 ng hapon at alas 7:00 ng gabi hanggang alas 9:00 ng gabi ay iiral ang yellow alert sa Luzon grid.
Sinabi ng NGCP na nakararanas ng matinding kakapusan sa reserba ng kuryente sa Luzon grid.
Mayroong available capacity na 10,625 megawatts habang nasa 10,313 megawatts naman ang peak demand.
Ang detalye hinggil sa dahilan ng kapos na reserba ng kuryente ay iaanunsyo ng Department of Energy (DOE).