Dating MRT GM Al Vitangcol nagpiyansa sa kasong graft

mrt-0823Naglagak na ng piyansa sa kinakaharap na kasong graft si dating Metro Rail Transit General Manager Al Vitangcol.

Personal na nagtungo sa Sandiganbayan 3rd division si Vitangcol para bayaran ang P90,000 na piyansa.

Ang nasabing halaga ay para sa P30,000 na piyansa sa kada isang bilang ng tatlong kasong graft na kinakaharap ni Vitangcol sa anti-graft court.

Si Vitangcol ay sinampahan ng kasong graft ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan dahil sa umano ay iregularidad sa MRT3 maintenance contract.

Bago pa man magpalabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan ay naglagak na ng piyansa si Vitancgol.

Read more...