Dahlia Pastor, nagtatago pa rin sa Indonesia

dalia pastorUmaasa ang ama ni Enzo Pastor na mahuhuli na rin ang isa pang suspek sa pagpatay sa car racer na si Dahlia Geurrero-Pastor.

Ito ay kasunod ng pagkakadakip sa pangunahing suspek na si Domingo “Sandy” de Guzman III sa Dasmariñas, Cavite kagabi.

Ayon kay Ginoong Tom Pastor, may intelligence report na nagsasabing si Dahlia ay nasa Indonesia pa rin.

Umaasa ang pamilya Pastor na hindi susuko ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation hangga’t hindi nahuhuli si Dahlia.

Si De Guzman ay nadakip ng mga tauhan ng NBI sa isang hotel sa Cavite.

Sa ngayon ay nasa detention center na ng NBI-National Capital Region ang suspek matapos siyang makuhanan ng mugshot at fingerprint.

Napag-alamang umupa ang suspek ng kwarto sa isang hotel sa Dasmariñas sa ilalim ng pangalang Dennis Gregorio.

Matapos ang kontrata ay nag-renew ito sa pangalan namang Antoinete Gregorio.

Pinag-aaralan ngayon ng mga otoridad kung sasampahan nila ng kasong “harboring a criminal” ang may-ari ng hotel na tinuluyan ni De Guzman.

Read more...