Mga kaanak ng mga nasawing magsasaka sa Negros Oriental, pinadudulog sa korte ng Palasyo

Hinimok ng Palasyo ng Malakanyang ang pamilya ng mga magsasakang nasawi sa police operations sa Negros Oriental na maghain na lamang ng kaso sa korte.

Pahayag ito ng Palasyo bilang tugon sa paratang ng human rights groups na biktima umano ng summary execution ng mga pulis ang mga magsasaka.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, walang pumipigil sa mga pamilya ng mga magsasaka na maghain ng kaso.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Panelo na mas makabubuting hayaan ang korte na magpasya sa naturang usapin.

Katwiran pa ni Panelo, lahat ng tinatawag na presumption of regularity ay umiiral sa aksyon ng mga pulis.

Sigurado aniyang hindi kukunsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang uri ng pag-abuso ng mga pulis.

Read more...