LOOK: Titulo ng gagawing pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, inilabas na

Photo grab from Star Cinema’s Instagram account

Inilabas na ng Star Cinema management ang titulo ng pinakahihintay na pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Gamit ang kanilang Instagram account, inanunsiyo ng Star Cinema na “Hello, Love, Goodbye” ang magiging titulo ng pelikula ng dalawa.

Ito ang kauna-unahang pelikula na pagsasamahan nina Kathryn at Alden.

Ang naturang pelikula ay nasa ialim ng direksyon ni Cathy Garcia-Molina na siya ring direktor ng huling blockbuster film na “The Hows of Us.”

Nakatakda namang ilabas ang pelikula ngayong taon.

Read more...