Heat index sa Dagupan, umabot sa 51.7 degrees Celsius

Umabot sa 51.7 degrees Celsius ang naitalang heat index sa Dagupan City, Pangasinan bandang 2:00, Martes ng hapon.

Nalagpasan nito ang pinakamataas na heat index record na 48.2 degrees Celsius noong April 4.

Ayon sa PAGASA, ang heat index ay ang init na nararamdaman ng katawan ng tao na kadalasang mas mataas sa air temperature.

Sa ganitong temperatura, mapanganib ang heat cramps at heat exhaustion sa mga tao at ang patuloy na aktibidad ay maaaring mauwi sa heat stroke.

Samantala, 13 lugar pa ang nasa danger category na 41 degrees Celsius hanggang 54 degrees Celsius.

Kasama sa may pinakamataas na heat index ang Cuyo, Palawan, 46.2 degrees Celsius at Tuguegarao City, Cagayan, 43.5 degrees Celsius.

Nasa 42 degress Celsius naman ang naitalang heat index sa Pasay City.

Nauna nang nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na protektahan ang kanilang mga sarili sa sikat ng araw at palaging uminom ng tubig.

Read more...