Isa pang suspek sa pagpatay kay Silawan, naaresto na

Arestado ang isa pang suspek sa marahas na pagpatay sa 16-anyos na dalagitang si Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Kinumpirma ni Police Col. Limuel Obon, hepe ng Lapu-Lapu City Police Office, na naaresto ang suspek, Martes ng umaga.

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye sa Obon ukol sa ikinasang operasyon laban sa suspek.

Ang suspek ay nasa kustodiya ng pulisya.

Ayon sa mga imbestigador mula sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) sa Central Visayas, nasa tatlong lalaki ang pinaghahanap na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay kay Silawan.

Matatandaang unang naaresto ang dating nobyo ni Silawan sa kaniyang bahay sa Barangay Maribago noong March 16.

Nananatili naman ang suspek sa kustodiya ng Social Welfare and Development sa Lapu-Lapu City.

Read more...