Halaga ng mga nadiskubreng palutang-lutang na cocaine sa bansa, umabot sa P1.15B

CREDIT: PRO 13

Umabot sa P1.15 bilyon ang halaga ng mga nakumpiskang palutang-lutang na cocaine sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Bernard Banac, nasa kabuuang P1,153,074,226 ang halaga ng mga nadiskubreng kontrabando mula Pebrero hanggang Abril 2019.

Katumbas aniya ito ng 217.3 na kilo ng cocaine.

Noong araw ng Linggo, nasa 40 bloke ng cocaine ang narekober ng mga otoridad sa bahagi ng Burgos, Surigao del Norte.

Sa ngayon, nasa 15 na kaso ng mga nakalutang na kontrabando ang naitala ng PNP.

Read more...