2 sugatan matapos mabangga ng trak ang bus sa Quezon

Sugatan ang dalawang katao makaraang bumangga ang isang dump truck sa pampasaherong bus sa Tagkawayan, Quezon Martes ng hapon.

Nabangga ng trak ang kanang bahagi ng bus sa bahagi ng Quirino Highway sa Barangay Sta. Cecilia.

Nagtamo ng minor injuries ang isang pasahero at drayber ng trak.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng Tagkawayan police ang aksidente.

Read more...