Nakatanggap ng pitong repatriation request ang Embahada ng Pilipinas sa Tripoli, Libya.
Ayon kay Chargé d’Affaires Elmer Cato, pitong Filipino ang humiling ng posibleng pag-repatriate kasunod ng nararanasang karahasan sa North African country.
Mababa ito dahil karamihan aniya sa mga kababayan sa Tripoli ay ramdam na ligtas pa sila sa lugar.
Dagdag pa ng embahada, agad iuuwi ang mga Pinoy oras na humupa ang sitwasyon sa Tripoli.
Lunes ng gabi nang itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level III ang Tripoli at ilang distrito sa Libya.
Sa huling tala, nasa 1,000 Pinoy ang nananatili sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES