Ito ay matapos aprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang mga petisyon ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Ayala Corporation para sa adjustment ng kanilang toll rates.
Sakop ng BCDA ang Subic-Clark Expressway (SCTEx) habang hawak naman ng Ayala Corp. and Muntinlipa-Cavite Expressway (MCX).
Ayon kay TRB spokesperson Alberto Suansing, natanggap na ng BCDA at Ayala Corp. ang mga resolusyon para sa aprubadong toll hike noong nakaraang linggo.
Gayunman, kailangan pang ilabas sa mga pahayagan ang general circulation sa tatlong sunod na linggo.
Matapos aniya ito, ilalabas na ng TRB ang North to Start collection.
Narito ang magiging adjustment sa toll rate sa ikalawang kwarter ng taon:
Sa SCTEx:
Ang Class 1, mula P2.675251/km (VAT exclusive) at P2.996281/km (VAT inclusive), magiging P3.189230/km (VAT exclusive) at P3.571937/km (VAT inclusive)
Sa Class 2, mula P5.350502/km (VAT exclusive at P5.992562/km (VAT inclusive), magiging P6.378460/km (VAT exclusive) at P7.1433875/km (VAT inclusive)
Class 3, mula P8.025753/km (VAT exclusive) at P8.988843/km (VAT inclusive), magiging P9.567690/km (VAT exclusive) at P10.715812/km (VAT inclusive)
Sa MCX:
Ang Class 1, mananatili sa P17 dahil sa pag-round off ng authorized na P17.34.
Sa Class 2, mula P34 ay magiging P35.
Habang ang Class 3 naman, mula sa P51 ay magiging P52 na.