Ray Parks, pumirma na ng kontrata sa Blackwater Elite

Kumpirmado nang opisyal na miyembro si Ray Parks ng Blackwater Elite.

Sa Instagram, inanunisyo ng agent ni Parks na si Charlie Dy ang pagpirma ng manlalaro sa koponan para 44th season ng PBA.

Ayon kay Blackwater coach Aris Dimaunahan, walang intensyon na i-trade si Parks taliwas sa mga kumakalat na balita.

Mayroon aniyang winning attitude at athleticism si Parks para maipanalo ang koponan.

Inaasahan namang makakasama ang 26-anyos na manlalaro sa practice ng Blackwater pagkatapos ng Semana Santa.

Matatandaang nagwagi si Parks ng ASEAN Basketball League (ABL) title at dalawang ABL Local MVP awards para sa Alab Pilipinas.

Read more...