Kris Aquino, pansamantalang liliban sa social media

Inanunsiyo ni Queen of All Media Kris Aquino ang pansamantalang pagliban sa social media.

Sa kanyang post sa Instagram, sinabi ni Kris na ito ay para ihinto ang pagpapanggap na ayos lang siya.

Aniya, maraming bashers o trolls ang nagbabansag sa kaniya bilang “drama queen” dahil sa kaniyang medical condition.

Hindi aniya alam ng marami ang pinagdadaanan nitong depression at pagpipilit na maging ayos sa kabilang ng kaniyang kondisyon.

Dagdag pa ni Kris, kailangan niyang pansamantalang umalis sa social media para maging payapa sa pamamagitan ng pagiging pribado.

Hindi aniya tiyak kung kailan siya magiging aktibo muli sa social media.

Nagpasalamat naman si Kris sa kaniyang mga tagasuporta at basher.

Read more...